Pangangalagang pangkalusugan, pagpapaunlad ng pagkabata at kabataan
Matututunan mo ang
- tungkol sa trabahong nagsusulong ng kalusugan
- tungkol sa kalusugang pisikal at ng pag-iisip
- tungkol sa anatomiya ng katawan
- tungkol sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan
- tungkol sa pagpapaunlad ng mga bata at kabataan
- tungkol sa diet, nutrisyon, at hygiene
Dapat kang maging
- maalaga, at maunawain sa ibang tao
- mahusay sa pakikipag-usap
- mahusay sa pakikipag-ugnayan sa iba
Maaari kang maging
- isang health worker, ambulance worker o hospital orderly
- isang occupational therapist o childcare at youth worker
- isang technician ng parmasya, medikal na sekretarya, sekretarya para sa kalusugan ng ngipin >
- isang skin care worker, chiropodist, o orthopaedic technician
Tingnan ang lahat ng propesyon at kakayahan
Mga lugar ng trabaho
- ospital o sa serbisyo sa pag-aalaga sa tahanan
- mga kindergarten o pasilidad ng day care para sa mga bata sa paaralan
- mga parmasya, tanggapan ng dentista o ng doktor
- mga klinika para sa paa o salon para sa pangangalaga sa balat
Karagdagang edukasyon
Humahantong ang edukasyon at pagsasanay na pampropesyon sa kaalamang pampropesyon (mayroon o walang sertipiko sa negosyo o journeyman). Pagkatapos sa edukasyon at pagsasanay na pampropesyon ay maaari kang magsimulang magtrabaho o kumuha ng higit pang edukasyon:
- Maaari kang kumuha ng higit pang edukasyon sa isang ikatlong antas na kolehiyong pampropesyon. Ikatlong antas na edukasyong pampropesyon ay dumadagdag sa mataas na edukasyong sekondarya na pampropesyon at nagbibigay ng higit pang edukasyong pampropesyon na maaaring direktang gamitin sa buhay may-trabaho.
- Maaari kang kumuha ng Vg3 karagdagang programa para sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification)
– matapos ang Vg2 o
– matapos makamit ang kaalamang pampropesyon.
Magkakaroon ka na ngayon ng opsiyon na kumuha ng mas mataas na edukasyon sa isang kolehiyo o unibersidad. Tandaan na ang ilang programa ng pag-aaral, tulad halimbawa ng inhinyeriya, agham at medikal na pag-aaral, ay mangangailangan sa iyo ng ilang paksa sa agham. - Maaari ka ring mag-apply para sa mas mataas na edukasyon matapos ang isang pang-unang kurso o sa pamamagitan ng Y-path, ang daang pampropesyon tungo sa mas mataas na edukasyon. Inilaan ang Y-path para sa mga taong may kaugnay na karanasang pampropesyon. Ang mga paunang kurso at ang Y-path ay pinakakaraniwang ginagamit sa mga pag-aaral sa agham at inhinyeriya.