Espesyalisasyon sa mga pangkalahatang pag-aaral
Pinili mo ang espesyalisasyon sa
Natuto ka
Depende sa napili mong mga paksa:
- ng matematika at iba pang natural na agham
- ng pangangasiwa at ekonomiks
- ng kasaysayan, politika at sikolohiya
- ng mga wika
- ng iba pang paksang teoretikal
Ikaw ay dapat na
- interesado sa pagharap sa mga paksang teoretikal
- nakikipagtulungan, maayos at may disiplina sa sarili
- interesado sa pagsulat o pagkalkula
- interesado sa mga usaping pangkultura at panlipunan
Nakamit mo ang
- pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) at maaaring kumuha ng mas mataas na edukasyon
Kung kukuha ka ng mas mataas na edukasyon, maaari kang, bukod pa sa iba pang bagay, maging
- nars, doktor o beterinaryo
- inhinyero, abogado o ekonomista
- guro, psychologist o manager
Maaari ka ring mag-aral ng iba pang propesyon – sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad.
Ang mga pagtatrabahuhan ay maaaring
- ospital, hukuman, istasyon ng pulis o pangasiwaang munisipal
- mga abogado– mga tanggapan, consultancy agency o mga engineering company;
- mga kindergarten, paaralan o mga unibersidad
Pagkakatanggap sa mas mataas na edukasyon
Sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Gayunman, ang ilang pag-aaral ay may mga espesyal na hinihingi para matanggap:
- Mga pagsusulit upang matanggap: Ang ilang pag-aaral ay nangangailangan ng praktikal na pagsusulit upang matanggap. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay pagiging malikhain o mga pag-aaral ng sports.
- Mga kinakailangang pang-agham: May ilang pag-aaral na kinakailangang kumuha ka ng mga paksang agham. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay inhinyeriya, agham at mga medikal na pag-aaral. Matatagpuan mo ang mga kinakailangan upang matanggap sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa samordnaopptak.no. Sa ilang programang pang-edukasyon maaaring maging mahirap na makahanap ng timetable upang mapili ang lahat ng agham na kailangan mo. Kung magtutuon ka sa mga pangkalahatang pag-aaral sa natural na agham at matematika sa Vg2 at Vg3 pinakamalamang na makuha mo ang mga agham na kailangan mo.