Hopp til hovedinnhold

Musika, sayaw at drama

Pumili ka ng espesyalisasyon sa

Natuto ka

Depende sa napili mong mga paksa:

  • ng pagtugtog ng musika, mag-isa at kasama ng iba pang tao
  • ng pagsayaw, mga paraan ng pagsayaw at koreograpiya
  • ng mga paraan ng pag-arte, direksiyon at produksiyong panteatro
  • na linangin pa ang iyong mga kakayahan sa pagiging malikhain
  • ng mga paksang teoretikal

Ikaw ay dapat na

Depende sa iyong espesyalisasyon:
  • marunong sa musika at magaling umawit o tumugtog ng instrumento
  • magaling sa isang istilo ng pagsayaw
  • interesado sa pagganap ng papel at pagtuntong sa entablado
  • handang magsanay nang husto, mag-isa at kasama ang iba pa, sa panahon ng at pagkatapos ng mga oras ng klase
  • malikhain
    Aabot sa kalahati ng mga estudyante sa Vg1 ang maaaring tanggapin batay sa isang pagsusulit upang matanggap o mga dokumentadong kasanayan.

Nakamit mo ang

  • pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) at maaaring kumuha ng mas mataas na edukasyon

Kung kukuha ka ng mas mataas na edukasyon, maaari kang, bukod pa sa iba pang bagay, maging

  • mananayaw, choreographer o dance teacher
  • mang-aawit music teacher o music therapist
  • artista, set designer o dramaturg
    Maaari ka ring mag-aral ng iba pang propesyon – sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad.

Ang mga pagtatrabahuhan ay maaaring

  • mga teatro o opera house
  • mga orchestra, concert hall o mga banda
  • mga nursing home o paaralan

Pagkakatanggap sa mas mataas na edukasyon

Sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Gayunman, ang ilang pag-aaral ay may mga espesyal na hinihingi para matanggap:

  • Mga pagsusulit upang matanggap: Ang ilang pag-aaral ay nangangailangan ng praktikal na pagsusulit upang matanggap. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay pagiging malikhain o mga pag-aaral ng sports.
  • Mga kinakailangang pang-agham: May ilang pag-aaral na kinakailangang kumuha ka ng mga paksang agham. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay inhinyeriya, agham at mga medikal na pag-aaral. Matatagpuan mo ang mga kinakailangan upang matanggap sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa samordnaopptak.no. Sa ilang programang pang-edukasyon maaaring maging mahirap na makahanap ng timetable upang mapili ang lahat ng agham na kailangan mo. Kung magtutuon ka sa mga pangkalahatang pag-aaral sa natural na agham at matematika sa Vg2 at Vg3 pinakamalamang na makuha mo ang mga agham na kailangan mo.